Sunday, March 18, 2012

Diz iz It!

Havey na havey! Ito na ito..matagal ng nakatulog ang blog na ito at hindi pa ito Emoterang Kulot dati.. Ito ay Miss Mommy Diary with url ms-mommy.blogspot.com but because para naman tugma sya sa title nito I change it to emoterangkulot.blogspot.com. So diz iz it! diz iz really really it!

Thanks to Rona and KM dahil na-inspire naman akong gumawa ng tagalog blog. Siempre hindi ko ito mapagkakaperahan kasi mostly ng monetize blog dapat nosebleed ang ispyuk. Tsaka nahihiya naman akong mag mura ng mga taong kinaiinisan ko dun sa main blog ko no..wholesome daw yun eh.. hahaha. Salamat talaga sa Tawas ni Rona..dahil dun natawas ako at ito ako..

Anyway baka naman nagtataka kayo kong sino ba itong emoterang kulot na ito. As if naman if magpakilala ako makikilala nyo ako no. Helleerrr!! but lets see. I am widely known in blogospehre as Shengkay. Hindi ko yan dito gagamitin kasi parang secret tong Emoterang Kulot blog ko kasi nga dito ako mag e-emote. Ayoko lang na may makabasa na mga feeling close sa akin kasi di ba..dito ko sila mumurahin! jowk! lalo na ang tatay ng anak ko at ang babae nya. Hahaha.. o ano..ano?..intriga na kayo no?..jowk again! hahaha..ano bitteness? hello!!!! siempre hindi ako aamin..heelllerrr!!!!

Okay back sa kong sino ako. I've been bloggging for almost 2years na at trademark ko na talaga ang Shengkay sa online world. Try to search it ako kagad ang makikita mo. My main blog is Shengkay's Journal at meron pa akong 4 other active blog. Baka adik kayo sa meme nag-hohost din ako ng Orange Tuesdays via Shengkay's Randomness Journal. Feeling traveler din ako at fashionista hahaha.. kaya nabuo si The Postcard and Travel Lover at Shengkayful's Fashion and Lifestyle..did I mention na single mommy ako?..oh yes..kaya marami talaga akong ka-emote-tan sa buhay..at dahil dun my baby blog din ako Iris Joehanna's World. Lahat yun sa awa naman ni LORD napagkakaperahan ko sila kahit na papano kaya bawal ang tagalized dun. nahiya din ako mag rant dun masyado kaya dito na lang ang rant ko if ever..mag rant man ako dun pa-slight-slight lang..hahaha.

Hindi ko naman ini-expect na may magbabasa nito no..bahala kayo..basta ako if bad trip ako ito na yung magiging outlet ko.

..kaya watch out! Emoterang Kulot is here.. emote-tan na! (sound like its showtime!!!)

5 comments:

  1. hahaha! Woohoo! Isa na namang aabangang Tagalog blog ito! Salamat naman at isa ko sa inspirasyon mo. Pero alam mo bang may napatunayan ako? Binabasa ng buo ang blog lalot nakasulat sa tagalog. Promise! At isa pa, hindi malayong pagkakitaan din kasi sa experience ko ha? Ung tagalog blog ko ang unang nakakapasa sa mga blog paid post? akalain mo yun? Yun lang di lang siguro prayoridad ng mga advertiser dahil nga tagalog. Sana nga lang may mga advertiser na mainspire naman na sa Tagalog ang reviews na ipagawa nila. Tayo na yan!

    At wow, bumabad ka pala sa pagtingin ng portfolio ko! Aytenkyu! Dalaw ka lang lagi at ako na ang kunin mong designer dito. Gawin nating patok sa takilya ang design nito. Just message me anytime!!!

    Welkam sa mundo ng emoterang blogs!! Kaisa mo ko jan! Apir!

    ReplyDelete
  2. hahah! congratumalations sa iyong tagalog blog, sheng! eto na i-a-add na kita sa blog roll ko, pakihintay lang at medyo loren haggarda ang lola mo ngayon sa trabaho. lol. ayan, na-ha-happy naman ako at dumadami na ang ka-jamming namin ni baklang Rona. kongrats muli, teh! kitakits tayo ditey ;)

    ReplyDelete
  3. to Rona: naway magdilang anghel ka kapatid na Rona...at ng magka interest naman ang advertiser sa tagalog blog natin..pero sa totoo lang ginawa ko lang ito kasi mas na-i-express ko sarili ko in tagalig no..kong pwede lang mag ilonggo..mag-ilonggo gid ko di ya sa blog ko ah (sounds typical ilonngo) hahaha.. tsaka sabi ko nga..hindi naman ako kilala ng mga kakilala ko talaga na ako si Emoterang Kulot.. so ano man sasabiin ko dito.. hindi nila mababasa..hehehe..

    to KM: cge kapatid na KM..add na rin kita sa rolling stone ko.. maki-emote ka na rin..hehehe..

    sa inyong dalawa pasensya na ing-ing pa ang lola nyo kong pano ba ang dapat kong gawin para lumabas si REPLY after ng comment nyo..2years na ako sa blogging pero ito..may pagkatange pa rin sa technical side ng blogandia..hahahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. teh, may reply button ka na. tapos na ang katangean. hahaha. Magsusulat nga ako ng tutorial tungkol dito para makatulong naman akes. Nga pala, kulot din ako tulad mo. Nagparebwond na lang ang beauty ko kasi ang init sa pkiramdam at ang hirap imanage. LOL!

      Delete
    2. tama!!!!! end of katangean ko na..at least sa ganitong isyu no..
      cge gawa ka ng tutorial mo sa reply churvaness..

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...