Monday, February 28, 2011

Dear Churvah

Natapos na naman ang buwan ng mga puso and have to say goodbye..ano naman ang maganda sa buwan na ito?..cge na nga! para daw positive vibe may maganda naman. Pero kong iisipin ko parang hindi... bakit? opening salvo pa lang ng February nanakawan na ako...things na pinaghirapan ko (digicam, CP and my ID's) Sa loob ng bahay pa! Pero okey lang. Iniisip ko na lang nakatulong ako. Pero minsan naiisip ko rin pag nalaman ko lang kong sinong nagnakaw didikdikin ko sya ng pinong-pino..ggrrrr!!!!siempre nagpa-blutter ako..what do you expect? naturalmente walang aksyon sa kinuukulan. Siguro I am just thankful kasi wala namang nasaktan sa amin..at higit sa lahat hindi nakasama sa ninakaw ang anakis ko. My gulay! if nanakaw ang anakis ko baka ngayon eh nasa tabi-tabi na ako at naglalaro ng lata at nanglilimahid! hehehe..as in thank you LORD talaga!

What else? Hmm..medyo inspired naman ang Kulot (ang havah! ng hair!)..but just any other normal person na-bu-bwesit din lalo na sa tatay ng anakis ko. Pero sa mga nasabi ko na sa main blog ko I am trying my best to raise Anakis without anger in my heart. Pero tao lamang po ako at isang babae na kulot ang buhok na minsan sinusompong talaga ng pagkakulot ko. Hehehe..nakakaisip ako ng hindi maganda. good thing is..hanggang isip na lamang sya.

..ay oo nga pala churvahness, This March papabinyagan ko na si Anakis ko. She'll be turning 6 months na..grabe ang bilis talaga ng panahon..pero alam mo..till now parang di pa rin nag aabsorb na nanay na ako. parang wala lang..siguro kasi sana'y na rin naman ako na may inaalagaan yun nga ang sisterette ko. At parang nadagdagan lang..

..at ito pa! akalain mo! nagkalakas loob ako na i-public ang churvah na ito! congrats to me! actually hindi naman ito lagi may post..siguro like 2-3 post a month lang..depende sa modo ng kulot. I have my main blog.. ito sa title pa lang alam mo na na kachurvahan lang ito. Tsaka kasi dito hindi ako nag-no-nose-bleed! hehehe... lahat nailalabas ko...dito emosyonales galore lang talaga. Kasi minsan para na akong masisiraan ng bait..so pag mga ganung pagkakataon, dito na muna ako sayo..mag-churvahan tayo...

So yun lang..see yah sa next kong pag-eemote..

Nag-e-emote,
Emoterang Kulot

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...