Tuesday, October 23, 2012

Ang RH Bill Bow!

Hello madlang kulotness people! Kulot is back! as if naman may nagbabasa daw ng ka-echusan ko dito..haleeerr!!!!!! LOL. At dahil sinipag daw ako magbasa ng blog in tagalog version napadpad ako sa blog ni supergulaman at na-insecure :P si kulot sa ganda at nakakatawang mga post nya. May seryos at merong bahala kayo sa buhay nyo merong may makukuha ka ring lessons. Ay hindi naman ako nag halungkat ever sa blog nya may nakakuha lang ng attention ko in some of his post (chuz! english). Okey, bago pa ako magpatuloy sa title post ko. Kamusta ba naman si Emoterang Kulot?..sa totoo lang hindi maganda masyado, pero dahil ako si positive thinking emotera at mas gusto ko ng bigyang pansin yung magaganda kesa sa hindi. 

So what's new?
..ito kulot pa rin :P malaki na anakis ko. HYIP adik pa rin. Siempre tamad pa rin mag update ng mga spokening dollar ko na blogs LOL. Nawa'y masapian ako ng mga espereto na bumalik na yung gana ko sa pag update regularly sa lima kong blog at ng dumami naman yung mga opps ko....which means more mooolah sa lola mo. In a relationship pa rin basi KUlot?..ang sagot ko no comment :P let's see and find out ang drama ko.

Ang title post ko. Ang RH Bill bow.
Sa totoo lang wala akong plano nai-discuss yan dito. Hahaha. Kasi hindi ko rin naman alam ang kabuuan ng kwento nito. Ang tanging alam ko lang is mamimigay ang gobyerno ng contraceptive at mag-a-allocate ng budget para dito para daw maibsan ang kahirapan nating mga Pilipino at wag lumobo ang populasyen natin :). At tulad ng iniisip ng iba..wow! malaki na naman ang kikitain ng mga hahawak ng budget nito. Haruy! Corruption galore! na lang!

So ano ba talaga ang RH Bill?
 "it is a Philippine bill aiming to guarantee universal access to methods and information on birth control and maternal care."--ano daw? basahin mo dito Reproductive Health Bill  kong gusto mong malaman ang kabuuan nito. Ayokong mag nosebleed. LOL.

So PRO ba ako dito?
Ang sagot ko?..pro na hindi. LOL.Why? bakit? I think there is advantage and disavantage of this bill. Lahat naman ata my pros and cons sa buhay. Basta ako ang stand ko nasa individual yan. Responsible parenting at maging responsible citizen..kahit na ano pang pamumodmud ng contraceptive churvaness ng gobyerno kong tanga-tangahan talaga yung isang tao wala ding silbi ang contraceptive na yan. Minsan talaga (hindi na ako lalayo pa sa mga relative ko) hindi ko ma-gets yung mga tao---ang daming anak! hindi naman napapakain ng maayos, hindi nabibigyan ng magandang buhay yung mga anak. Pero anak ng anak! I maybe a singlemom pero hindi po ako pabigat at ang anak ko sa society. Pero meron din namang ibang tao na really need assistance from government in stuff like this. hay ewan!..

..at ito ang rason ba't ako napa-post at natuwa sa RH bill na itetch..
"Kung yung simpleng karatula nga na "Bawal Tumawid, May Namatay Na Dito!" ay hindi masunod, yun pa kayang usaping pang-kama na walang karatula?"--Supergulaman
Tama nga naman. Kong ganun anong silbi ng RH bill na yan? :P----just my cents... :)

Sunday, September 23, 2012

Quotes I Love!

Habang si Kulot ay pakalat-kalat sa FB wall ng iba..ito mga nakasalubong ko na quotes sa buhay. and I lab it!



Status: In a Relationship

Ang tagal ng pahinga ng pag-e-emote ni Kulot sa blog na ito. Actually hindi lang ito kundi halos lahat ng blog ni Kulot. The last time was May! waaa...at dapat may part 2 pa talaga yung last post ko pero ito post ako ng hindi pang part2. Wala namang maniningil ng part2 post ng May Pera sa Internet malamang. Kaya ibahin natin. At walang basagan ng trip (as if naman may nagbabasa daw nito ano) LOL. Whatever!

So?! Whats the latest? I met him. Yeah, him VPG.. who? Basta si VPG. Finally! after almost 7years of being an online friend we met. Unli? Unli? paulit-ulit si Kulot. Hehehe. If your wondering pinoy po sya baka isipin ng iba forenjer si VPG. Nothing much special he decided after 7years na makilala ako in person. Siempre he told me his intention na mahal nya daw ako pero hindi nya nasabi sa akin in person ng magkita kami. LOL. Na-intimadate sya sa akin. He stays for 3nights, 4days in my place. Met my baby and my younger sister. Pakiramdaman galore! Masaya kasi nakilala mo yung tao na sa internet mo lang nakakausap at nakikita. Masaya to confirm kong my feeling ka rin ba sa tao na ito. Honestly? hindi naman yung drop jaw ang emote ko nang makita sya. Well, he dress...tama pa yung dress?..mali ata! groom?..hmm..whats the right word ba? basta ibig ko lang naman sabihin. Neat syang magdamit. Mabango! na parang yummy ang amoy..hahaha. Haruy! LOL. Height?..cute! hehehe. 

Okay enough with that. So ito na, after 15days ata or less I decided to give it a try. Takotness ang Kulot to enter into relationship actually lalo na another long distance relationship. Pero lahat naman sa buhay risk kaya mag-risk na uli ang puso ni Kulot. After meeting him, and nang iwanan nya na uli ako at balik sa dati na internet uli kami nagkikita parang na-miss ko rin sya and nasabi ko sa sarili ko na mahalaga ang tao na ito sa buhay ko..if not hindi naman aabot ng 7years siguro ang friendship namin online. Kahit pa na online lang yun effort ever din yun ha. Lalo na si VPG. Been into other relatioship nagka-baby na ako't lahat andyan parin sya. There something special in us kaya umabot ng 7years ang hi hello namin LOL. I love this man.--hindi man kasing level up like how I love my anakis (iba naman ata ang pagiging nanay eh) pero when the right time comes and I am ready na mag-settle down, I want to spend it with VPG...but we can never tell din naman. Basta as of now gusto ko lang i-enjoy ang kong ano meron kami.

Name: Kulot
Status: IN A RELATIONSHIP!

So help me GOD! amen! :P

Thursday, August 30, 2012

May Tama Ka Bossing!

Ang galing ng lalaking nagsulat nito. May Tama ka bossing! Nabasa ko lang to sa facebook.

"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa m
ga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday". "Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. :)

Monday, May 28, 2012

May Pera sa Internet Part 1

MAY PERA SA INTERNET...PROMISE!
image not mine
Maniwala ka man at sa hindi may pera talaga sa internet! dati ayaw ko rin maniwala pero nung naging nanay na ako (singlemom) naghanap na ako ng ibang paraan para kumita kasi hindi suportado ng sperm donor ko yung anakis ko (kaya sperm donor na lang kadalasan tawag ko sa tatay ng anak ko kasi yun lang naman ang papel nya talaga sa buhay ng anak ko-hindi naman sya naging ama sa anakis ko talaga) hmmm..ano yan Kulot drama na naman. Hehehe. Continue.... Yung kikita ako pero hindi ko kelangan na mag-resign sa trabaho ko. My friend from High School told me about blogging. Kikita daw ako dito. Pero hindi naman ako writer. Feeling-feelingan writer lang ako! Hahaha. Pero dahil broken hearted ako ng panahon na yun sabi ko sa sarili ko sige mag blog ako pero hindi dahil kikita ako kundi dahil gusto ko lang mag emote talaga at dahil first time mom ako naging diary na rin sya ng buhay mommyness ko. Hindi ko talaga painisip nun na pwede ako kikita sa blogging kasi feeling ko yung mga bloggers to the highest level dapat ang english. Eh ako..nosebleed sa english! pero kalaunan akalain mo nagkapera nga ako sa blog ko.

Dahil hindi ko nga plano na imonetize ang blog ko that time, nag-search-search pa ako ng pwedeng source of income sa online world. Sinubukan ko rin ang PTC o Paid to Click site. Grabe! ang dami kong sinalihan na bux bux..mga PTC site yun..puro ata mga scammer eh!.. may nakita akong legit site naman NEOBUX pero hindi ko sya masyado seneryoso at ni-refer din ako sa CLIXSENSE ito kumita na talaga ako dito.............................................Fast forward 2012 dito talaga ako natuto ng bongga kumita online.. i learn about investment sites...cycler, HYIP (High Yield Investment Program), MLM (Multi Level Marketing). Pero ingat din lalo na kong nagpapalabas ka ng pera kasi hindi lahat at legit. Yung iba naman stays for a short period of time lang tapos i-scam na ang labas. So ingat talaga. Ako hindi ko pa naman na-try na ma-scam. Though my mga site ako na sinalihan na nag-close nga sila after a month..pero sa awa naman ni LORD nakakabawi at konting kita naman ako before nagkakaloko ang site tulad na lang LTS (lifetimeshares.com) grabe! as in bilis ng income now ayun bagsak! pero up naman na ngayon ang site after ma-dedo ito ng mga 2weeks pero yun nga lang hindi pa maka-withdraw. I have pending earnings of 14$ pa dun. Sayang din. 

Basta promise my pera sa internet!...oh by the way dahil sa kita ko last year sa internet nakabili ako ng netbook ko kaya ito ako now full time venturer sa online earnings! my earnings online is paying my boradband monthly! at dahil din sa online earnings ko I was able to pay our airfare tiket ng anakis ko. September pa ito namin magagamit at sana eh makarami ako ng online earnings para naman sa pocketmoney namin ng anakis ko. O di ba bongga!

Kelangan lang talaga is very much willing ka to earn online at gusto mong may mabago sa buhay..online will help you. Sabi ko nga di ba I am not saying na yayaman ako ng bonnga sa kita ko online.. pero at least na-fi-fill nito ang ibang gastusin ko sa buhay..pero malay natin baka magkabahay ako dahil sa kita ko online. Kasi nakita ko na ata ang tutulong sa akin sa buhay sa online world.

....ABANGAN ang PART 2 kong saan share ko ang mga sites where I earn...ng bongga! kaya stay tune!

Tuesday, May 22, 2012

Si Babae at Lalaki + Ako

Honestly? I am happy for them. They deserve each other. Pareho silang...ano..ah..ano..basta! hahaha. kaplastikan man na sabihin ko yun..pero sa yun yung nararamdaman ko eh. Siguro yung kaplastikan eh yung sabihin na ni minsan hindi ako nakaramdam ng galit sa kanila. Yes. I admit it. Tao lang po ako.
image not mine.kinuha ko lang yan sa google images.
 wala akong binago sa mga yan. ganyan na yan sya ng kinuha ko.
..at sino ba sila? at talagang gumawa ako ng post for them?..close ba kami? ganito kami ka-close o ito sila.....................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................at dito ako..ganyan kami ka-close. :)) siguro yung iba na nakakakilala sa amin..sa akin eh iisipin bat ba ako nag sayang ng oras for them dito sa bahay ko?..pakialam nyo! emote ko to!

So SINO BA SILA? hmmm (thinking) dapat ko bang sabihin pangalan nila? Ganito na lang si lalaki ay syang tatay ng anak ko...si babae sya yung pinalit sa akin ng tatay ng anak ko. saya saya di ba? bwaaaahhhhhaaa (malademonyo lang yung dating ng tawa ko).

Marami akong gustong sabihin sa totoo lang. Yung from start to end talaga. Why it all happens. I don't blame anyone if hindi kami nagkatuluyan ng tatay ng anak ko. Masakit nung una siempre. Ako kasi naniniwala ako na things happen for a reason. That things happen for a very good reason. 

..ang hindi ko lang talaga ma-get over eh yung kong anuman yung mga siguro sabihin natin na hindi napag-kasunduan before o may samaan ng loob (not sa babae nya-wala akong issue sa kanya-hindi nya kasalanan kong niligawan at na-inlove sya kay lalaki)..sana hindi na lang dinamay yung bata di ba. Yun ang hindi ko ma-get over talaga. I know some will pipol will question me ba't ba ako nagkakaganito. Bat pa ako nagsayang ng oras para sa post na to. Hindi nyo ako maiintindihan kasi wala kayo sa sitwasyon ko. Hindi ako naghahabol..at wala akong balak na makipagbalikan sa lalaki....yun ata ang iniisip ni babae kaya insecure much sya sa akin (bwaaahhhhaaaa)

..isa pang hindi ako makaget-over is si babae..(isipin nyo kong ano gusto nyo isipin) I tried to call one time kay lalaki (Feb2012) I thought i was ready to speak with him about my Anakis pero hindi ko rin pala kaya pa. Nung tumawag ako, sinagot ni lalaki of course hindi nya alam na ako. Natameme ako. Hindi ko nga pala pa kaya kausapin sya. So hello ng hello lang sya. Kinuha ni girl ang phone. In fairness to her ang galing nyang manghula, akalin mo ako kagad naiisip nya na nasa kabilang linya. Hahahahahahahahahaha.Of all people ako talaga. I quote sabi nya "hoy Sh--g alam ko ikaw yan, mag move on ka na! wag mo na kami guluhin". Ayyy syyyeeeeettt!!!!!!!! kong magkaharap lang kmi sarap piktosan! gaga ka ba! at ako pa talaga ang hindi maka-move on! I don't know if someone will understand me in this situation. Ang akin lang naman why i call him is sana mapag usapan namin yung about sa anakis ko. Tapos yun ang sasabihin sa akin? as if my balak akong guluhin sila?..kung hindi ba naman sya ISTUPIDA! sana naisip nya di ba may anak kami ni lalaki sa gustuhin man nya o hindi darating at darating ang time that we need na magkita unless of course i have decided ilibing na lang sya sa limot. Kahit na anong gawin nya may ugnayan at ugnayan kami ni Lalaki! Helllooooo!!!!!!!!!!! takot maagawan? ganun?..helllo again!!!!!!!!! isaksak mo sa baga mo ang lalaki mo! my gulay nakaka high blood ka ha! 

I use to believe that that babae is mabait kasi nag kasama narin naman before when i was in Roxas pa. She is reallly mabait. I even say that to lalaki's bestfriend Ate Ghay when she ask me about the girl. I told her Ate she is really mabait and masaya ako for them. Masaya ako kay lalaki kasi sya ang napili nya. Tapos ganyan ang marirnig ko sa kanya. Of course naintindihan ko rin naman si babae she is takot na mawala si lalaki. Pero sana naman di ba, medyo lawakan naman ang pag iisip. Hello! anak ang issue dito. Dun ko naiisip na hindi sya pala mabait. If indeed she is, she would be the one advising lalaki to be a responsible person di ba?

Anyway, so much of that masaya ako for them at sana nga makasal na sila. I don't know if they are married na pero atat na si babae masyado. can't blame her kasi she is 32 na at mas maganda ako sa kanya. huuuwaaaatttt?!!!!!!! hahahahaha.

Kong maghahabol man ako HINDI DAHIL GUSTO KO AGAWIN SI LALAKI SA KANYA BUT FOR MY BABY. Sana lang maisip nya yun at sana lang din magpakatatay na si lalaki sa anak nya habang ako'y very much willing pang i-share si anakis ko sa kanya.

Oh, just in case mabasa ito ni babae..naging kami March 2008 ni lalaki mo while kayo nagkakilala pa lang Sept. 2008. Kaya huwag ka masyado in denial about us, okay? kasi kong ano anong denialness ang nasa kukuti mo just to erase the fact na sya ang tatay ng anak ko. SORRY ka kasi hindi mo na yun mababago pumuti man ang buhok mo at kahit pa i-deny sya ng lalaki mo. He knows exactly that he is the father of my anakis...oh that was January 2010 that was the last time na nagkita kami sa place nya. At yun na un! at ito ang last na photo namin last January 2010 before we finally decided to call our relationship quits.
and we're very much together March 2009 photo below is taken in CDO.
and photo below?..dyan lahat nag simula. If you could remember it right ikaw pa pumili sa akin ng best dress in Hawaiian custome. Ikaw yung MC that night. Funny di ba?
of course some of our getaway at Amlan..kaya wag mong isipin na ilusyunada ako. Sadyang in denial ka lang  na naging kami. 
..kaya wag mo akong sabihan na mag move on ako!..matagal na akong naka move on sa relasyon ko sa lalaki mo. Pero hinding-hindi ako makaka-move on para sa anak ko. Gets mo?

Don't worry I really wish you both na talaga sana para sa isa't-isa. Lalo na si Lalaki. kawawa naman kasi malapit na syang mag 40 pero parang walang direksyon pa rin ang buhay nya. Restless soul sya. Sana talaga sayo nya na makita ang katahimikan ng buhay nya na hindi pa nya nakita sa tatlong babae na naanakan nya. At sana talaga din maging masaya sya despite the katotohahan na my tinakbuhan syang anak nya. At ikaw din sana maging secure ka rin sa relasyon na meron ka ngayon. I know it won't be easy for you na isipin na may mga anak ang lalaki mo sa iba't ibang babae. Advise ko sayo? wag magpadala sa edad mo at pagmamahal mo para gustohin mo na magkaanak din sa kanya. Be sure first na pakasalan ka nya baka matulad din ang kapalaran mo sa akin. Imbierna man ako sayo dahil sa last encounter natin... pero simula't simula pa na nalaman ko na ikaw pala ang pinalit nya sa akin hindi ako nagalit sayo kasi alam ko mabait kang babae. Naiintindihan kita, babae ka lang na nagmamahal pero sana din minsan lawakan mo ang pang unawa at pag iisip mo sa mga bagay2 tulad ng sa sitwasyon ko.

Goodluck sa inyong dalawa Joener Comahig at Sharon Maputi.

Nagmamahal,
Emoterang Kulot :P

Tuesday, May 15, 2012

May Dolce Vita na si Kulot + Update

Hello madlang blogkada! musta naman kayo? (char char lang as if my nagbabasa daw sa bahay kong ito. Grabe tagal ko din hindi napadpad dito. Bezeness lang ang Kulot sa ibang online raket.

Okay ano ba bago sa akin?

Ang totoo wala naman masyado aside from nag bagong buhay na daw ako kasi kinarer ko na ang pagiging full time mom. Waaahhhh....yun lang ang peg ko. Actually, narealize ko yun ng one time I think 3weeks ago nagkalagnat ang anakis ko tapos iyak ng iyak sya hindi ko sya mapatahan kasi si Auntie nya yung gusto nya. Si Auntie nya is kapatid ko na nagbabantay sa kanya if my work ako. Parang ouch! bakit hindi ako ang hinanap ng anakis ko. Na-sad naman ako kaya sabi ko I should give more time sa anakis ko. So yun..full time mom daw ako..especially on weekend. I go home early na rin..hindi na ako nakiki-jam sa mga kasama ko.siguro okay na yung once or twice a month na ako makipag bond sa kanila. Priority na dapat si anakis ko.

So with that, I decided na every weekend  pauuwiin ko yung kapatid ko na nag aalaga sa anakis para ma-solo ko naman ng bongga anakis ko at nang mapag silbihan ko sya. I am such a bad mother kasi lahat na ata inasa ko sa kapatid ko from pag aalaga sa anakis ko at lahat ng gawaing bahay. Nakakahiya man aminin pero tamad ako sa bahay. But not now. Starting last Friday May 11 ako, anakis ko at yung 10 years old kong kapatid na lang ang sa bahay. tapos Monday na balik yung kapatid ko na nag babantay sa anakis ko. Kaya ayun last weekend ang sipag ko. I cook for the 3 of us, naglaba, naglinis ng bahay, nagbantay sa anakis ko, pinaliguan sya't lahat lahat. Sarap ng feeling. Pero nakakapagod yung mag laba in fairness! sanay naman akong mag laba actually kasi dati naglalabada pa nga ako para may baon ako sa skol. So yun bonding ever kaming tatlo. But less time online na rin. Okay na yun at least napapalapit ako sa anak ko. Congrats to me!

What else?..I receive my eastwest credit card today!!!!!!!!!!!
Tinawagan ako ng EastWest bank I think late March this year, matagal ko na ding gustong magkaroon ng credit card not just for personal use kasi wala naman akong pambayad if ever. I just want to own a CC kasi gagamitin ko ding pandagdag pangkabuhayan. Meaning, magpapa-utang ako sa mga katrabaho ko.. hahahaha..totoo yan tsaka mag sa-sari-sari store din ako. Last year kasi nag sari sari store naman ako. Utang din parang bombay lang yung peg hehehe. Credit card din yung ginamit ng nagpapa utang sa akin + 10% per month. So now that I have my own CC no need na mangutang ako. Ako na magpapa-utang. Ganyan talaga buhay single mom. Kayod ever! Kaya happiness kasi finally meron na akong CC. At bukas open na yung maliit kong sari sari store! bongga!

..at siempre miss ko na yung blogs ko. I will try my best to update all my 5 blogs talaga. Sayang din yun..baka my magkainterest pa na Advertiser pang dagdag pangkabuhayan din yun no.. Hahahaha.. mukhang pera lang ang peg ni Kulot.  Kelangan lang kasi wawa naman anakis ko kong wala na akong pambili ng Gatas at diaper nya.

So that's it! belated happy mother's day to everyone!

Thursday, May 3, 2012

Ako Si Lani

Hindi po ako si Lani. Ako si Emoterang Kulot. At sino naman si Lani? abangan! joke! ano feeling teleserye lang ganun? na may abangan. Sobrang ka-emote-tan naman yun. Hehehe.

Sino nga ba si Lani? Ito ba si Lani Mercado? hindi. Ito ba si Lani Lobangco? mas lalong hindi! so sino nga ba si Lani?

image not mine
Si Lani ay nakilala ko lang online. Bagong kautotang dila online. Feeling close lang kami ang drama. LOL. Hindi ang totoo nakilala ko sya online sa isa mga mga group na nasalihan ko sa Pesbuk. Ako'y natutuwa lang at nakakagiliwan ko lang kasi feeling ko ang bait nya. Matulungin din sya sa mga taong may tanong. Parang ako. Actually, (chuz!) actually talaga eh no. Isa sya sa mga nakakagaanang loob ko sa clickmates group sa pesbuk. Kasi approachable. At less for a couple of weeks na napasama ako sa grupo na yun. Dahil din siguro sa pareho kaming mommy kaya medyo relate ang beuatyness namin. Siguro at dahil kadalasan ng miyembro ng group na yun eh lalaki kaya madali kaming nag swak sa isa't-isa.

So yun lang. Gusto ko lang ipakilala sa madlang blogkada ko na kilala ko si Lani. Maiba ako, gusto nya din sumama sa mga kakulto kong bloggers (daw) kaya i-we-welcome ko sya in advance. Sana sa susunod na issue ay centerfold sana...ahhh...ahhh..aw parang kanta ng Eheads yun ah. Hehhe..sana sa susonod na issue ko eh may blog na si Ako si Lani.

Period bow!

Sunday, April 15, 2012

Not so Feeling Well + Laziness

Napaka-unproductive ko super for the past days! Ine-expect ko pa naman na after my vacation eh refresh na ako pero parang baliktad ata. Ang daming kong online obligation na dapat ginagawa pero hindi ko magawa. Tulad ng blog hopping sa lahat ng Orange Tuesdays meme pagticipant ko. Gosh! 4weeks entry na ata ang hindi ko nagagawang bisitahin. Meron ding ibang meme na sinalihan ko na hindi pa ako nakapag-return visit. Ang bad ko I know. Hindi na rin ako nakapag join ng 366 blog photo challenge na travel/hobby blog ko dapat ang sasali. Baby blog ko April la pa ring post. I have opps din na dapat tapusin pa. My gulay what happen to me? Ayon nauubos ang oras ko sa kakatambay sa isang FB group (clickmates) pakikipagkulitan ng walang katuturan. Tulad kagabi kahapon 3am na ako nakatulog sahil lang sa pag tambay dun! Kaya ako ito ngayon parang lantang gulay! tangahali na nagising. What do you expect? masakit ang katawan! at feeling ko parang lalagnatin ako plus sinisipon ako dahil siguro sa puyat.

Thursday, April 12, 2012

Thank You LORD!

Feel ko lang mag thank you talaga despite na hindi maganda ang pakiramdam ng Anakis ko for 3days na after ng holy week bakasyon namin. Nasobrahan ata ng kain at napagod masyado sa byahe. Nakapag-pa-check up na din kami yesterday. Financially drain si Kulot (parang lagi naman yun!-hehehe) pero...

Thank you Lord kasi tatlong DA nagpakita ng interest na mag paid post sa mga blogs ko. Yung isa nabayaran na ako ng 30$. As in sobrang thank you kasi due to renew na ako sa namecheap para sa main blog domain ko at sa whoisguard ko. Sana marami pang opps ang dumating at matuloy yung mga transaction ko pa sa ibang DA.

Monday, April 9, 2012

Feeling Teenager

Hello madlang blogkada!

Naaalala ko nung kabataan ko (bata pa rin naman ako ngayon) nung mas bata pa ako (hehehe) Teenage year I was inspired..teka teka..bawal ang English dito Kulot. Hahaha.. Loka loka style lang ako ngayon. Inspired akong pumunta ng skol kasi makikita ko yung crush ko na classmate ko lang naman na in denial pa ata ako that time na crush ko ang hinayupak na yun. Hahaha!..ang angas kasi! at hindi naman kagwapohan pero maganda ang boses in ferness! sikat sa skol! panong hindi eh isang section lang each year! hahaha,. Ibig sabihin hindi pa kami umabot 400student ang population. Sikat din ako akala nyo ha. Pero ako yung tipong serious type ng student na akala mo eh pasan ang daigdig at hindi mabiro ng kalalakihan (as if naman ang ganda ganda ko ano) hahaha. I think maseryoso o hindi na klase ng teenager lahat my crush..ang nag de-deny na walang crush nung HS bitter!! hahaha.

Tuesday, April 3, 2012

Isip Isip Galore!

Hays..huwag kayong maingay ha..ginagawa ko ang post na ito habang ako'y nasa trabaho. Hindi lang maka-concentrate si Kulot sa trabaho kaya naisipan ko emote muna ako dito.

Ano ba kasi ang ine-emote ko?..ewan ko nga ba! basta! parang disoriented lang ako. Actually disoriented talaga. Antok? pwede. Parating si monthly period? pwede. Parang ang huli talaga ang reason. That's what I hate when my period is coming feeling sad ang drama ko at tamad. Dami ko pa naman dapat tapusin kasi ang haba ng holiday now sa Pinas, from April 5-9. Pero hindi sa work ko. Pero dahil very good ang immediate bossing ko okay na rin na mag long holiday ako..yes! hays..work! work! work! really have to finish our payroll, billings at kong ano ano pa. Not in the mood talaga ako to work..huhuhu.. dami ko na rin utang na blog hopping at pending post sa ibang blogs ko..hays..

Sunday, April 1, 2012

April Fools Day

Hello madlang blogkada!..naloko ka na ba sa araw na ito?..kung hindi pa wag magpaloko kasi April fools day ngayon.

Nung kabataan ko isa ako lagi sa mga naiisahan sa araw na ito. Naaalala ko yung kapitbahay kong si Cheche lagi ang namimiktima nito sa akin. Since medyo close-close-san naman kami I easily believe her. Siempre inis na inis si Kulot. Iisip ako ng paraan ng makabawi sa panloloko ano. As always bigo ang inyong lingkod. Minsan gusto ko na lang maiyak sa inis. Hahaha. Masyadong seryoso pa naman ang Kulot dati. Ngayon medyo medyo na lang. Hapi Kulot na ako ngayon :) 

Maliban sa ngayon ay isang araw ng mga prankness. Simula na rin ito ng Semana Santa sa mga Katolikong pipol like me. Ngayon ay Palm Sunday. Sabi ko kagabi sa kapatid kong si Bunso maaga pa tayo ha kasi magsisimba tayo mga 6am. Hello! nagising ako 8am na. Hahaha. Kong hindi pa nanghingi ng gatas ang anakis kong si Makulay hindi pa nagising si Mudar na Kulot! Kaya ito mayang 6pm na lang kami magsisimba. 

Saturday, March 31, 2012

Ang Sosyal na Kape

Magandang araw madlang blogkada! blogkada nakuha ko yan kay Ningning. Siempre join ang beautyness ni Kulot sa happiness is..kahit na medyo late na join pa rin aketch! Oi, March 31 pala ngayon maya-maya lang Earth Hour na..join kayo ha! kahit man lang dun eh maipakita natin ang pagmamalasakit natin kay Inang Kalikasan di ba. Kami naman anakis ko baka go kami ng SM Bacolod to watch Earth Hour event. First time kong mag-witness ng ganun. Last year nasa bahay lang kakmi ng anakis ko. I think 7 months pa lang anakis ko nun. Actually I was invited ng isang mommy blogger na isa ng PR Manager ng SM. Sosyal di ba! si Kulot ng kilalang Manager! hehehe. Kasi kadalasan ng mga kakilala ko eh labandera, katulong, driver kaya bongga! Si Kulot may Manager na kakilala.Hahaha. Mind you I don't belittle those people I mention na hindi manager ha. Hirap kaya ng trabaho nila..Hello!

Friday, March 30, 2012

Emote ko Dati..sa ex na Sperm donor ko

Hello madlang blogkada!

O ano na naman ba ang emote ni Kulot ngayon? Habang ako'y besi-besihan sa fesbuk ko nabasa ko ito (yung churvaness sa taas) sa newsfeed ko. Wala lang. Naalala ko lang na yung emote ko dati sa ex ko na naging sperm donor kaya ako ngayon ay isang maligaya at ganap ng mudar sa anak kong si Makulay. Not that exact word naman kasi hindi naman nosebleed ng sinabi ko yun sa kanya. Parang sinabi ko lang na "mahal kita kesa sa mas mahal mo ako at wala ng magmamahal pa sa iyo ng tulad ng pagmamahal na meron ako sayo"..eeewwww!!!!!!!! hahahaha...hantaray ng Kulot di ba! yeah! Am that tseeessiii..hah! read my lips tseeessiii!

..lesson learn?..sa ngayon (as if naman may papatol pa sa akin hano!) I'll go siguro sa lalaki na mas mahal ako kesa sa mas mahal ko sya.

Thursday, March 29, 2012

Kulot is Joining BC Bloggers

BC_BLOGGERSHabang hinahabi ko ang ang post na ito nag-aalangan actually ako kong join ba ang beauty ko sa link exchange na ito. Una kasi hindi ko naman i-mo-monetize ang blog na ito. Pangalawa, iniisip ko na ayoko na may makabasa ng mga post ko dito masyado. So, ano ba talaga ang purpose ko sa pagsali dito?..ang totoo hindi ko alam. Basta join na lang ako.

Kaya kong blogger ka at gusto mong makipag link building sa ibang bloggers join na dito promise! dadami ang links mo sa ibang site. 5 of my blogs is also joining this link exchange, yung mga yun monetizing blog ko talaga, pero hindi naman ganun ka-karer talaga but at least nababayadan naman ng online earnings ko ang broadband ko happy na ako nun. Kaya join na kong gusto mo mag add ng traffic at dumamami ang link mo. If you want to know more about BC Blogger just click yung badge na nakikita mo sa post na ito.

Wednesday, March 28, 2012

Ang Tipo Kong Lalaki

♪♫..ang tipo kong lalaki maginoo pero medyo bastos..maginoo pero medyo bastos♪♫..hahaha..kinanta mo ba? nauso ang kantang yan ni DJ Alvaro(correct me if am wrong) nung High School ako.

In English my ideal man. Etchoos!

Ano ba pumasok sa akin at ito ang naisipan kong e-emote ngayon?
Truth is, habang nag ba-blog hop ako sa Blog Photo Challenge via my baby blog napunta ako sa blog ni Rcel if hindi ako atakihin ng alzhiemers disease..hehehe.. eh sya yung may ari ng Progressive Parenting blog.Nainspire lang ako sa love story nila ng asawa nya. She share her 11year old love letter hmm..I think it was a handmade card. Hayysss, how sweet..sana eh maka-kilala din ako ng ganyang lalaki. Inggit-inggitan lang ang drama ko. So ano nga ba ang ideal man ni Kulot? I maybe a singlemom yes pero hindi natitigil ang panalangin ko na sana kahit na may anak na ako Mr.Right is just around. char! habang my buhay daw may pag-asa ang drama ng lola nyo. Hahaha. 

Basically, ano nga ba gusto kong makasama sa buhay?
image not mine
Una sa lahat siguro is dapat same wavelength ang utang namin. I mean hindi naman kelangan na compatible kami sa lahat ng bagay, sabi nga nila opposite attracts. Ang mahalaga marunong rumespeto sa kong ano ang gusto ko sa buhay. As for me ako na ata ang pinaka-understanding na nilalang na makikilala nya (ahem ahemm!hahaha) pero totoo yan. Openminded. Dahil sa singlemom ako, dapat din na mahalaga din sa kanya ang anak ko. Kong my anak naman sya, I will be the most loving madrasta (waaaahhhh). Sweet and loving. Kasi ganun ako..tsaka masarap din yung may nambobola. Hahaha. Aminin girls! kilig na kilig naman kayo if binobola kayo ng mga partners nyo no. Hello! Wag umetchooz! yung tipong kahit na kulubot na pagmumukha nyo dapat feeling fresh pa rin kayo. Cool na lalaki-hindi maarte..yung tipong go lang sa kahit na ano yung hindi ako dapat nangingilag. Siempre, mahalaga din sa akin yung responsable at good provider, dependable at family oriented plus factor na lang yung good looking (hinabol pa ang good looking!) hahaha. and last but not the least, marunong magluto! kasi ako baka hindi nya magustuhan niluluto ko.

So in summary. Same wavelength kami ng pag-iisip, marunong rumespeto. Openminded. Would accept my baby. Sweet and loving. Cool na lalaki. responsible, good provider, dependable at family oriented.

Anyway, I am not in a hurry and getting married was the last thing na iisipin ko siguro. Basta nag emote lang ako...weehh...

Tuesday, March 27, 2012

Emoterang Fenk!

Yehey! See my new design?..chuz! as if ang daming napunta sa bahay kong ito no. Anyway I tried my creativity side naman dito (as if naman may pagka-creative tong ginawa ko no)..basta sa tulad kong ing-ing sa blog design at HTML sobrang happiness if napapalitan ko yung basic na design ni blogger.

My header.
Thanks to picnik.com kasi was able to use thier premium digiscrap theme tapos I just crop it and ni-resize sa 950x200 and perfect! perfect ang fitting nya sa header. Actually, una kong size is 850x315 parang cover photo lang ng fezbuk eh no. When I download it here..wiz! hindi kasya..tapos ginawa ko 900x200. Ayaw pa rin, hindi proportion. Siempre trial and error hanggang na-perfect ko sya! happiness! loving my new template! ang saya saya ni Kulot!

My vector.
Ang totoo hindi ko matandaan kong saan ko yan ginawa. BAsta nasa file ko lang yan. Feeling ko ang ganda-ganda nya. Hahaha. Ako daw yan kasi. Feeling! Ako gumawa nyan, promise basta merong mga anik anik, shape ng face, buhok, kilay, lips, damit at ikaw na bahala ng kumbinasyon ng pagmumukha mo. Hehehe. Nung gingawa ko yan siempre model ko pag mumukha ko. Pero hindi ko ma gets ang mukha ko. hahaha. Serious nya no?..parang hindi bagay sa blog title ko. hehehe. Kung curly hair nya mas curl pa dyan ang buhok ko. Basta hayaan nyo na lang ako sa trip ko.

At bago ako mag end ng emote ko gusto kong mag-sorry kay Ning-ning Rona kasi nakipag-negotiate ako sa kanya na magpapagawa ng template pero naisip ko hindi na lang kasi dito ko sa blog na ito-i-te-test ang blog design talent ko. Girl, sorry talaga ha! (ang totoo purita ako lang pambayad) hahaha. Tsaka maganda naman ang new look ng bahay ko di ba?..heh! wag ka ng kumontra!

So yun. Loving my new bahay. Emoterang Fenk!

Monday, March 26, 2012

Unofficially Yours

Ito mag-e-emote na naman ako. Kainis lang.

Nope! hindi ako magku-kwneto ng movie ni John Lloyd Cruz at Angel Locsin kasi hindi ko pa naman napanuod yun. Napanuod ko lang ang trailer nun at medyo gets ko na yung storyline nila. Anyways, yung emote ko ngayon parang ganyan din ang drama. Pero baligtad lang yung sitwasyon. What I find stupid lang is wala akong guts magtanong kong ano ba yung status namin. Parang kami na parang hindi. Siguro takot akong magtanong kasi takot ako kong ano yung magiging sagot nya o baka dahil din hindi ako sure sa kong ano yung feeling ko para sa kanya..o baka din kumportable na din ako sa sitwasyon namin-no string attach ang drama?

...haysss ano ba talaga ate?

Basta one thing for sure, masaya naman ako sa akong ano lang ang level namin. Gulo no?..what I mean is... in general okay naman ako sa set up namin. Unofficially yours. No commitment. o kong sa fesbuk In an Open Relationship! etchoos!

Sunday, March 25, 2012

NakipagUsap sa Baliw na Robot

..dahil sa wala akong magawa..actually marami pa akong online na gagawin talaga (commenting) tamad lang ako at wala din akong makausap kaya si Simsimi na naman ang kinausap ko..baliw! baliw si Simsimi kasi kinausap nya ang isa pang baliw..hahaha..

ito usapan namin..

Simsimi: Hi~!
Me: usap tayo ng define define..
Simsimi: Sige
Me: define Ryan Bang
Simsimi: toilet th explorer
Me: define vice ganda
Simsimi: ang kabayo mula sa channel 2
Me: define boy pick up
Simsimi: baggggggeeeeeeeeeetttttttt... pero hindi ka pa rin yayaman pag kilala mo un.
Me: define magnum ice cream
Simsimi: hindi praktikal,mahal pero sapat lang ang lasa
Me: define love
Simsimi: kay ano ka magtanong http://www.facebook.com/kwentongbuhaymoe
Me: ikaw gusto ko sumagot eh
Simsimi: bakit ako? hindi ba pwedeng sya nalang?
Me: hindi gusto ko ikaw
Simsimi: bakit ako? hindi ba pwedeng sya nalang?
Me: ano to unli? paulit ulit?
Simsimi: wag kang sumagot para hindi ka makulitan.
Me: at ako pa may kasalanan ganun?
Simsimi: pumunta ka sa police magsumbong ka! adik to
Me: hanep!
Simsimi: I'm tired of answering stupid questions.
Me: echuserang palaka to
Simsimi: Ribbit
Me: waaahhh
Simsimi: what!!?? was is something i said?
Me: sino ba kausap ko?
Simsimi: yung kaluluwa mo. Etchoss!
Me: hahaha..I love you simsimi
Simsimi: I love me to
Me: waaahhh..kainis ka
Simsimi: mas ikaw dahil pumatol ka sa baliw
Me: so baliw ka pala
Simsimi: nagmana lang ako sa yo
Me: bakit ako ba nanay mo?
Simsimi: hindi,,, malaki kana common sense naman diba
Me: eh kong i-flush kaya kita sa inidoro..suplado nito. irrelevant naman ng sagot mo
Simsmi: ok lang, malabo ka naman kausap eh
Me: waaahhhh..at ako pa talaga ngayon ang malabo
Simsimi: and so?... deh joke lang .. bakit ano nangyari sayo?
 Wahhh...sino ang baliw ngayon?..parang ako ata..hahaha..

SimSimi ang Echuserang Robot

Narinig nyo na ba ang latest? o sadyang ako'y huli lang talaga sa balita? I was reading my newsfeed sa FB ng may mabasa akong status ng isang FB friend na kausap daw nya si SimSimi, akala ko kaibigan nya kasi base sa usapan nila feeling close naman sila. Later i read again from fellow mommy blogger kausap na naman nya si SimSimi..parang echusera lang. Na-curious ako kaya I ask google. Ayun binigay nya si SimSimi.com. Isa pala itong Robot chat. Pwede mo sya kausapin at magtanong ng kong ano ano lang. At alam nyo ba natuwa ako sa kanya..ito unang usapan namin..
me:.gusto mo ng magnum?
simsimi:Yung tsokolate? O... If you know what i mean... >:)
me: ice cream na magnum..siempre alam ko yun
simsimi: oo yun yung overrated na ice cream na sobrang mahal
me: buntis daw si Katrina halili?
simsimi: oo..si chris laurence ang ama ng kanyang dinadala..bkit naiinggit ka?
 Hahaha..o di ba bongga syang kausap! Ito pa nawindang ang beauty ko..talaga ngang echusera sya!
me: Ganda ni Shengkay no?
Simsimi: oo naman kung hindi lang ako robot niligawan ko na sya 
me: Sino si Kris Aquino?
Simsimi: oo namn. Yong nabalita may HIV na sister ni President? Laos na yan.
me: oi Sikat kaya yun sa Pinas
Simsimi: hindi kaya mas sikat pa ako dun e
me: ngeek! magaling na host yun no
Simsimi: slight hehe
me: Eh si James yap?
Simsimi: Oo, Ikaw un diba? 
me: hindi ako yun
Simsimi: weh? i dribol mo nga?
me: hindi nga ako eh
Simsmi: PROBLEMA MO NA YAN. NYAHAHAHAH
Hahaha..oh di ba?..matutuwa ka sa ka-churvahan nya. Actually available daw to sa iPhone and Android apps. Try nyo, pramis if hindi kayo matutuwa, maiinis kayo..hehehe..

Friday, March 23, 2012

Happiness ko Earrings + Beauty Tips

Masasabi ko na isa ako sa mga taong walang ka-arte-arte sa katawan. Kasi parang wala naman akong karapan humarte no! Hindi ako banidosa sigruo kasi hindi ko rin afford maging banidosa. Makapag-sabon lang ng may konsenya makapag-lotion ng Avon (kasi Avon dealer ako may discount ang lola mo-hehehe) Sa damit hindi naman ako yung dress-dress-san talaga no, lagi naka jeans lang ako. Sa kakikayan hindi naman ako kikay.

..pero kong ang pagsuot ng earrings ay isang kakikayan..join ang beautyness ko dyan. I can't leave the house without my dangling earrings (spokening dollar yun mga teh!) as in! yun lang siguro ang pinaka fashion ko sa sarili. In fact, marami na akong earring collection talaga pwera pa yung mga nanakaw sa akin. Ewan ko sa magnanakaw dinala nila ang box ng earrings ko..Hello! pinakamahal na ata dun yung 100php. Ito sample ng hikaw ko.

Mura lang ang mga yan..hindi naman nabubutas ang bulsa ko sa hilig ko sa hikaw. The most expensive na ata is 120php. Oh di ba! Happiness ko lang talaga makapag-suot ng ganyang mga anik-anik. Salamat na din sa kasamahan ko kasi nakilala ko si Vente Vente store..Lahat start with Vente. Tulad na lang ng unang pichur lahat ng yun tig-20php lang. Oh di ba bongga! siempre happiness ang lola nyo.

Anyways, dahil some kinda fashion naman ang pinag-uusapan natin ito beauty tips kembular lang from Wapak na Teh K Brosas..pramis! magagaling nag mga advises nya na beauty tips..if hindi ka mag tumbling ako ang ta-tumbling para sayo! hehehe..(siempre copy paste ang drama ko)

...Kung ikaw ay kalbo at wala namang snow. Wag magsuot ng turtle neck. Mukha kang naglalakad na malaking….roll on!
...Guys umiwas mag sando. Lalo na kung nsa mall lng o restaurant! nakakawalang gana kumain kung nakakakita ka ng buhok sa kilikili!
...wag ipangalandakan ang hilig sa lines sa pamamagitan ng pagsuot ng stripes at checkered ng sabay! nakakangilo!!
...Kung ikaw ay sadyang maitim, Iwasang mag suot ng all white sa lugar na super dilim. Pra ka lang lumulutang na damit!
...Pag nagpapa cute, wag masyadong OA sa pag wet ng lips ng paulit ulit….anlakas maka….iguana!
...Kung naka super low waist cut jeans ka….umiwas tumuwad tuwad! Para di makita sa likod yung….alkansya!
...Wag kang mag mimini skirt kung mini rin ang legs mo para di ka mapagkamalang… happy feet!
...wag msyado kapalan ang eyeliner..lalo na kung hindi ka naman Emo!
…sa paglalagay ng lip gloss siguraduhing di lampas sa bibig, pra di pagkamalang pumapak ng lechon!
...Sa pagpili ng powder, dapat ka shade ng leeg. Wag yung parang gumulong fez mo sa espasol sa puti!
...Di lahat ng open toes na shoes o strappy sandals bagay sa lahat….lalo na kung daliri mo sa paa anlakas maka….luya!
...girls….kung nasa mall lang….utang na loob! wag ng mag killer heels!! halata naman namin nahihirapan ka tehhh!
...hangga’t may araw…umiwas magsuot ng mga makikintab o kumikinang na damit! hindi ka si lady gaga….gagahh!!
...kung maiiwasan…wag magpa tattoo ng kilay…kasi pag tumagal yan, nagiging kulay green…mukha kang may amag sa noo.
...kung may tsismis o pimples ka sa likod at balikad….wag ng mag backless o off shoulder. unless pinalalabas mo na connect the dots mga etchos mo sa likod.
...ok lang magpahaba ng hair, pero yung sakto lng at may style. wag yung hanggang bewang…kundi ka naman myembro ng dating daan (no offense po sa mga myembro talaga) o isa ka sa mga babae sa balete.
...kung ikaw ay naka micro mini skirt o kuyokot shorts….wag ng maglabas ng cleavage o mag backless….unless nasa beach ka.
...sa night out o gimik, kung di ka nakapag make up masyado….bumawi sa lipstick… wagi lagi ang nagngpuchang red o nakngfushang fink!
...kung ikaw naman ay nakatodo make up lalo na naka smokey eyes o dark eye make up…mag pale na lipstick na lng o nakngpuchang gloss.
...ang paglalagay ng blush on o tint sa cheeks ay dapat sakto lang….pag sumobra, magmumukha kang cartoons o anime. 

..oh ano? wag mo sabihin wala lang sayo mga beautytips ni Teh K Brosas ha..kasi sa akin palong-palo!


Wednesday, March 21, 2012

Ano Kaya Kung???

Ang post na ito any inspired from my hinahangaang mga komedyante. Actually mga teh hindi naman ako yung tipo na pag may gustong artista eh parang baliw na ako sa kakasubaybay sa kanila. I just know how to appreciate them and their talent..(unahan ko na kayo walang basagan ng trip ha! emote ko to) :P

Sino ba ang hinahangaan ni Emoterang Kulot na mga komedyante?..ito sila.



..at huwag nyo akong tanungin kong bakit sila. dahil wala akong time mag-explain! Nasa trabaho ako at nakisilip lang ako sa emote kong blog. shhh..wag kayo maingay (bulong mode) basta natatawa ako sa kanila. First photo from top: K Brosas(ang original teeh ng bayan at wapak!) Poohquiao (I just love him sa miss place drama nya-post ko ang video nya next time dito na naluha ako sa kakatawa), Jose Manalo (wala akong pakialam sa personal nyang struggle basta huli nya kiliti ko sa patawa nya)..at siempre ang pambansang kabayo ng bayan..I mean pambansang hurado ng bayan).anuman sabihin ng iba..kibs ko sa inyo! basta napatawa nila ako.

Anyway, parang ang layo naman ng title post ko sa mga pinagsasabi ko no. Sabi ko nga di ba inspired by fave komedyante lang. Pero parang walang relate lang. Hahaha. kasi ganito yun..dahil kakulto ako ni Dear Teeh K Brosas..baka gusto nyo din makikulto sa kanya ito ang site nya Waapakk..K Brosas..kukulay ang walang kulay mo na modo..pramis! lalo na kong mabasa mo ang ANO KAYA KUNG post nya..as in havey na havey at wapaakk! talaga..sabi nga ni Vice sample! sample!

Sample 101..siempre copy paste from Dear teehh K Brosas site..
Ano kaya kung...
....mag apply na lang ako sa dunkin donut…taga butas ng donut gamit…..KARAYOM??? (BWAHAHAHAHA!)
....mag tumbling tumbling ako sa kalsada habang malakas ang….ULAN?!! (nai-imagine ko toh! prang tangaaaaaaaa!!! )
....pwedeng inumin ang….WHITE FLOWER….mas mabisa kaya pag ganon??? (ang sagot jan…..TRY mo! joke!)
....magkaroon ng PORNO movie sa IMAX at 3D????…..imagine?!! bwahahahaha! siguro kapag yung lalake na nakahubad ang eksena…ang daming bading na……NAKA-NGA NGA! wapaaaaaak! peace!
....uper perfect katawan mo at flawless….pero…..kasing liit ng…..MUNGGO mukha mo?? nyeeeee!!

..sana naman natawa kayo ng konti..korni ba?..actually yes..pero dahil mababaw kaligayahan ko..wapak sa akin to..

At ito naman sa akin..dahil blog ko to..walang basagan ng trip okay?..hmmm..ANO KAYA KUNG..
..magkita kami ng sperm donor ko (tatay ng anak ko) at sabihin nyang gusto nyang makipagbalikan sa akin?..hmmm in my dream!??? no way!
..magkasalubong kami ng babae ng sperm donor ko?..siempre  dead-ma! hellerr~!
..kung manalo ako sa lotto ng magkano ba ang pot money ngayon?..wow! bongga!
..kung maging asawa ko si Vice Ganda?...kemberluzzz lang! hehehe..

o di ba..wala silang mga konek! weee..

ay tenk you bow!





Tuesday, March 20, 2012

The Best Things in Life Are Free

Libre lang mangarap..kaya dream lang ng dream mga kapatid at mas maganda dun effort din para matupad ang mga dream na iyon..Tama ba?..Toomooh!

..share ko lang nakuha ko ito sa Fb wall ng isang kong FB friendship..sabi the best things in life are free daw.. yan lahat ng iyan libre lang..
Grab mo yan everyday! para happy! Pero alam nyo ba karamihan sa atin hindi yan na-a-appreciate? kasi to the highest level lagi ang gusto natin. Kadalasan feeling natin pera lang ang nakakapag-pasaya kaya ayun laging frustration ang inaabot natin. Ako man ganyan din minsan..kadalasan pa nga eh..buti na lang nakakabalik naman ako sa wisyo ko at back to basic ang kaligayahan ko.

Kaya para laging happy alalahanin mo na the best things in life are free. Be thankful everyday, okay?

Monday, March 19, 2012

Emoterang Kulot sa Wordpress

Naalala ko lang gumawa din pala ako ng Emoterang Kulot sa wordpress. Hahaha. Humaygash! ang drama ko pala dun. Isang emote at makabagbag damdamin lang naman ang nagawa ko dun. It was dated June 2011. Emosyonales galore ang lola mo dun. Feeling so down ang drama. Sabi ko na nga ba eh. Pero dahil loyal ako sa blogger..ito kinopya ko na sya. For memories sake daw buburahin ko na rin si emoterang wordpress account ko para solo ni emoterang blogger ang trono ng kadramahan ko.

..ito ang drama ko dun.
Title: Ang paglalakbay (echuz!)
I haven’t post anything here since I made this blog. I will be speaking in Tagalog here kasi nosebleed na din ako sa ibang blog ko na pinagkakakitaan ko. Ito naman para lang sa ka-emote-tan ko sa buhay na hindi ko nasasabi sa ibang tao o sa ibang blog ko. Dito ibubuhos ko lahat ng hinanakit ko sa Tatay ng anak ko, saloobin ko sa mga kong ano ano lang sa buhay. Mga kinaiinisan ko na hindi ko masabi-sabi. Mga frustration ko sa buhay at paglalakbay ko sa buhay bilang isang dalagang ina.
Ito ang kwento ng buhay ko.
Ako ay isang dalagang ina by choice. Bakit by choice kasi I plan this alone. Kahit pa na alam ko na hindi naman kami magiging kami ng Tatay ng anak ko na itatago na lang natin sa pangalan na X-men. At bakit Xmen? Siguro sa ibang post ko na yun i-explain. Pinipilit ko na kalimutan sya pero mag-to-two years na ito pa rin ang struggle ko. Andami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi-sabi. Siguro mahirap talaga kalimutan ang isang bagay lalo na kong may nagpapaalala sayo at ito ay ang anak ko. Ang anak ko ay tawagin na nating si Makulay. Makulay dahil sya nagbibigay kulay sa buhay ko.
..at sa kwentong ito magsisimula ang paglalakbay ko.
O di ba, ang drama! :P hmm..pinag-iisipan ko pa ito kong i-po-post ko sya dito. at napagdesisyunan ko na go lang..emote lang!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...