
..ito ang drama ko dun.
Title: Ang paglalakbay (echuz!)I haven’t post anything here since I made this blog. I will be speaking in Tagalog here kasi nosebleed na din ako sa ibang blog ko na pinagkakakitaan ko. Ito naman para lang sa ka-emote-tan ko sa buhay na hindi ko nasasabi sa ibang tao o sa ibang blog ko. Dito ibubuhos ko lahat ng hinanakit ko sa Tatay ng anak ko, saloobin ko sa mga kong ano ano lang sa buhay. Mga kinaiinisan ko na hindi ko masabi-sabi. Mga frustration ko sa buhay at paglalakbay ko sa buhay bilang isang dalagang ina.
Ito ang kwento ng buhay ko.
Ako ay isang dalagang ina by choice. Bakit by choice kasi I plan this alone. Kahit pa na alam ko na hindi naman kami magiging kami ng Tatay ng anak ko na itatago na lang natin sa pangalan na X-men. At bakit Xmen? Siguro sa ibang post ko na yun i-explain. Pinipilit ko na kalimutan sya pero mag-to-two years na ito pa rin ang struggle ko. Andami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi-sabi. Siguro mahirap talaga kalimutan ang isang bagay lalo na kong may nagpapaalala sayo at ito ay ang anak ko. Ang anak ko ay tawagin na nating si Makulay. Makulay dahil sya nagbibigay kulay sa buhay ko.
O di ba, ang drama! :P hmm..pinag-iisipan ko pa ito kong i-po-post ko sya dito. at napagdesisyunan ko na go lang..emote lang!..at sa kwentong ito magsisimula ang paglalakbay ko.
Heto ang tisyu, teh. Madrama pala ditey. Ano't ano pa man, ngiti lang ng ngiti. Pasasaan pa't lilipas din lahat ng ka-dramahang yan ;)
ReplyDeleteNga pala, yung sa reply sa comment. Punta ka sa settings tapos comment tapos sa comment form placement, gawing mong embedded below post chorva, and voila, lalabas na si reply. Pag hindi lumabas, sabihin mo sa'kin, pilit nating palalabasin sa abot ng ating kakayahan. Hehe!
thanks kapatid! kapamilya at kapuso na rin..hehehe.. muchos gracias! ito lumabas din si reply akala ko hindi pa sya lalabas..babatukan ko na sya sana..
Deletesalamat sa tesyo teh!..natuyo na din..hahaha..mag isang taong drama ko na rin to..pero good thing naka-move-on na ang lola mo sa kachurvahan ng puso ko..