Saturday, March 31, 2012

Ang Sosyal na Kape

Magandang araw madlang blogkada! blogkada nakuha ko yan kay Ningning. Siempre join ang beautyness ni Kulot sa happiness is..kahit na medyo late na join pa rin aketch! Oi, March 31 pala ngayon maya-maya lang Earth Hour na..join kayo ha! kahit man lang dun eh maipakita natin ang pagmamalasakit natin kay Inang Kalikasan di ba. Kami naman anakis ko baka go kami ng SM Bacolod to watch Earth Hour event. First time kong mag-witness ng ganun. Last year nasa bahay lang kakmi ng anakis ko. I think 7 months pa lang anakis ko nun. Actually I was invited ng isang mommy blogger na isa ng PR Manager ng SM. Sosyal di ba! si Kulot ng kilalang Manager! hehehe. Kasi kadalasan ng mga kakilala ko eh labandera, katulong, driver kaya bongga! Si Kulot may Manager na kakilala.Hahaha. Mind you I don't belittle those people I mention na hindi manager ha. Hirap kaya ng trabaho nila..Hello!
Anyway, Andito ako para mag share ng happiness post ko. Hindi ako mayaman kaya happiness ko  na na kung minsan eh nakakataikim ng sosyal na kape. Ano pa ba ang pinakasosyal na kape? eh di Starbucks! actually nakakatikim lang ako nito siguro like twice or thrice a year. Hahaha. Promise! Hello! kulang kulang 200php kaya ito. Humaygash ha! 50 pesos na lang ang idadag ko 22pcs na diaper na yan ng anakis ko hano! So for this year nagkita kmi ni Starbuck coffee kasi I promise sa kasama ko sa work na if na update nya ang report sa SSS loan ko at premiums i-lilibre ko sya ng sosyal na kape! eh mahilig din yun sa sosyal na kape. Palibhasa kasi wala pa syang anak kaya no question sa budget. So yun, na-update naman nya ang report from 2010 to 2012 (imagine!) kaya tinupad ko yung promise ko sa kanya. Kaya last Feb.28 feeling mayaman ako..at siempre super picture si Kulot sa minsan-minsan lang pagkikita nila ni sosyal na kape.

That's it! yan ang Happiness is post ko. Kung may happiness post kayo join na rin kayo.

5 comments:

  1. Nung umuwi ako ng Pinas, after dinner out with friends, I treated them for coffee at Starbucks. There was five of us, and I used my credit card to pay. Nasurprised ako kasi paglabas ng bills namin ni Vince, mas mahal pa pala yung binayad ko sa Starbucks, kesa sa binayad nya nung nag kneeboarding kaming family (na five people din) sa Camarines Watersports Complex. Ganun ka-pricey ang Starbucks. LOL.

    Salamuch sa pag link up nito sa Happiness Is, Sheng! Kitakits tayo ulit dun ah ;)

    ReplyDelete
  2. Blogkada! Aha! Gaya Gaya Puto maya! Lol!

    Anyway, truelaloo yan! Super mahal ang susyal na kape! Pero Sige paminsan minsan eh gawin yan, kelangan yan sa buhay.

    Pumarito kulot! Na miss kita ng bongga at salmat sa dalaw. Natuwa ng wagas ang batang ningning.

    ReplyDelete
  3. hahaha ang cute naman ng post mo Sis...am having a blast reading :-) naku sosyal ka talaga d ako maka-afford ng ganyang kape hehehe Dropping by from Happiness Is

    http://www.mommies2ks.com/2012/03/i-won-a-raffle-basket.html

    ReplyDelete
  4. mommy, naaaliw akong basahin ang post mo...korek ka dyan, mahal nga ng starbucks...hehehe! although i always go out for coffee, pero hindi starbucks (minsan lang dun kapag may budget)...just lucky that there's a lot of choices here in bangkok, mas cozy pa minsan. visiting late from last week's happiness is...hope to see you around. thanks and have a great weekend. :)

    ReplyDelete
  5. Never tried Starbucks yet hehehe.

    Followed this blog thru GFC and networked blogs.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...