Sunday, April 1, 2012

April Fools Day

Hello madlang blogkada!..naloko ka na ba sa araw na ito?..kung hindi pa wag magpaloko kasi April fools day ngayon.

Nung kabataan ko isa ako lagi sa mga naiisahan sa araw na ito. Naaalala ko yung kapitbahay kong si Cheche lagi ang namimiktima nito sa akin. Since medyo close-close-san naman kami I easily believe her. Siempre inis na inis si Kulot. Iisip ako ng paraan ng makabawi sa panloloko ano. As always bigo ang inyong lingkod. Minsan gusto ko na lang maiyak sa inis. Hahaha. Masyadong seryoso pa naman ang Kulot dati. Ngayon medyo medyo na lang. Hapi Kulot na ako ngayon :) 

Maliban sa ngayon ay isang araw ng mga prankness. Simula na rin ito ng Semana Santa sa mga Katolikong pipol like me. Ngayon ay Palm Sunday. Sabi ko kagabi sa kapatid kong si Bunso maaga pa tayo ha kasi magsisimba tayo mga 6am. Hello! nagising ako 8am na. Hahaha. Kong hindi pa nanghingi ng gatas ang anakis kong si Makulay hindi pa nagising si Mudar na Kulot! Kaya ito mayang 6pm na lang kami magsisimba. 
Kahapon in observance of earth hour jumoin ang beauty ko at ng anakis ko at ng kapatid kong Bunso sa SM earth hour event. Lahat ata ng local official namin eh andun. From Mayor down to SB member. In fairness nasiyahan naman ako pero hindi pa natatapos yung event tulog na anakis ko kaya ayun hindi pa natapos eh umuwi na lang kami. Habang pauwi may lalakarin pa kami ng medyo mahaba-haba bago sa sakayan nadaan kami sa Cathedral at bumuli na lang ako ng palaspas ba tawag sa tagalog nung dahon ng niyog at ginawang krus at ibon-ibonan? for blessing after Palm Sunday Mass. Ayun, napa-bless naman namin kanina. Sobrang daming tao. Kala ko mag-stampede eh daladala ko pa naman si anakis ko. Pero okay naman. Nakauwi naman kami ng maayos. Thank you Lord!

Ano ba meron at plano ni Kulot sa buwan na ito?..actually, I was planning kong uuwi ba kami sa lugar ng lola ko this holy week. Iniisip ko parang hindi ata pasok sa budget ko eh. Tapos yung kasamahan ko sa work also planning for outing on Thursday at Friday kasi holiday yun. Pero naiisip ko rin, I'll spend it sa anakis ko na lang. Parang na-kunsenya bigla eh no. hehehe. No definite pa talaga. For me and my Anakis I plan na makapag-bond kami this month siguro paligo or visit an ecopark. Yun lang naman.

So yun. Paliguan ko muna anakis ko at matutulog kaming dalawa. HappyApril fools day everyone!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...