Sunday, April 15, 2012

Not so Feeling Well + Laziness

Napaka-unproductive ko super for the past days! Ine-expect ko pa naman na after my vacation eh refresh na ako pero parang baliktad ata. Ang daming kong online obligation na dapat ginagawa pero hindi ko magawa. Tulad ng blog hopping sa lahat ng Orange Tuesdays meme pagticipant ko. Gosh! 4weeks entry na ata ang hindi ko nagagawang bisitahin. Meron ding ibang meme na sinalihan ko na hindi pa ako nakapag-return visit. Ang bad ko I know. Hindi na rin ako nakapag join ng 366 blog photo challenge na travel/hobby blog ko dapat ang sasali. Baby blog ko April la pa ring post. I have opps din na dapat tapusin pa. My gulay what happen to me? Ayon nauubos ang oras ko sa kakatambay sa isang FB group (clickmates) pakikipagkulitan ng walang katuturan. Tulad kagabi kahapon 3am na ako nakatulog sahil lang sa pag tambay dun! Kaya ako ito ngayon parang lantang gulay! tangahali na nagising. What do you expect? masakit ang katawan! at feeling ko parang lalagnatin ako plus sinisipon ako dahil siguro sa puyat.

Anyways, despite ng katamaran ko gusto ko magpa-thank you LORD kasi finally okay na Anakis ko. 4days din syang LBM plus vomiting. Pumayat sya sobra! Buti na lang  malakas syang uminom ng tubig at hindi sya na-dehydrate. Kawawa lang tingnan if after she eats nagsusuka sya. Bumalik na rin ang gana nya kumain. Kaya super thank you LORD talaga!

At akalain mo! despite na hindi ko ma-maintain yung mga blogs ko binuhay ko pa uli ang isang blog ko! waaaahhhh..langhiya ka Kulot! ito naman eh Photo blog matagal ko na tong ginawa pero set to private ko lang sya kasi la nga akong time na mag post dito. Title Negros Daily Photo (www.negrosdailyphoto.blogspot.com) obviously its all about my place Negros (Occidental and Oriental) Ewan ko kong kelan ko to sya ma-uupdate. May mga photos na rin naman ako dito.

..at isa pa, I always complain my bulging tummy! you know naman not getting any younger yung metabolism hindi na ganun kaganda. Lagi na lang purnada plan ko to hola hoop. Kainis! kasi ang tamad ko talaga! Plano ko din mag jog sana..pero mas masarap matulog sa kesa mag jogging! hehehe. Hay naku Kulot..get a life! hehehe. I wish to be more organize talaga..will power common!

Sana maayos ko ang daily routine ko being a mom, sister, worker, blogger at kong ano ano pang churvaness sa buhay ko. 

So help me GOD! :P


1 comment:

  1. Lesson learned? Huwag nang magpupuyat online! LOL! Ganyan din ang drama ko pag nakikipagpuyatan ako kay Kemers/KM pag nagchachat kami hanggang dumating na si Haring Araw. Pero di naman ako nakaramdam pa ng parang magkakasakit. Kasi nahappy naman ang kaluluwa ni beki sa katauhan ni Ningning. LOL!

    Dalaw ka dito. Baka matawa ka. Hahaha.

    http://athomeakodito.blogspot.com/2012/04/ayoko-amin-lang-si-baby.html

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...