Thursday, April 12, 2012

Thank You LORD!

Feel ko lang mag thank you talaga despite na hindi maganda ang pakiramdam ng Anakis ko for 3days na after ng holy week bakasyon namin. Nasobrahan ata ng kain at napagod masyado sa byahe. Nakapag-pa-check up na din kami yesterday. Financially drain si Kulot (parang lagi naman yun!-hehehe) pero...

Thank you Lord kasi tatlong DA nagpakita ng interest na mag paid post sa mga blogs ko. Yung isa nabayaran na ako ng 30$. As in sobrang thank you kasi due to renew na ako sa namecheap para sa main blog domain ko at sa whoisguard ko. Sana marami pang opps ang dumating at matuloy yung mga transaction ko pa sa ibang DA.
Thank you LORD din kasi finally nakapag down payment na kami ng friend ko sa lot investment namin. Halos 2months na din ang kakahintay namin para matuloy-tuloy ito.

Thank you LORD kasi nakahanap ako ng way to submit my requirements for a credit card application. Sana ma-approve ito. Bakit ba gusto kong mag-credit card?..kasi gagamitin ko sa small business..ala bombay style lang. Hahaha. Papautang sa kasamahan sa trabaho nang kong anu-ano lang. Sayang din yung tutubuin ko. Pang diaper din yun :)

Thank you LORD kasi minsan naiisip ko sa liit ng sahod ko (medyo nagkaka-utang din minsan) pero nakaka-survive naman ako at Anakis ko plus my kapatid. Malaking tulong din yung online earnings ko talaga. Thank you blogging talaga!

..marami pa akong dapat ipagpasalamat talaga like of course I am alive and kicking + the gift of motherhood pero yung mga na-mention ko yung parang highlights talaga sa ngayon. Sobrang thank you LORD!

4 comments:

  1. Woohoo! Congrats sa mga opps. Wish ko lang marami ka pang opps na matanggap ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks kapatid!..sana lang talaga!..dami kong babayaran this month eh..
      Salamat sa dalaw :)

      Delete
  2. Wagi! Ikaw na. Ako Tagal na di nakatatanggap ng opps. Huhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. ..cge lang dadating din yan..
      kaya nga thank you Lord talaga ako kasi daming bayarin..

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...