Tuesday, April 3, 2012

Isip Isip Galore!

Hays..huwag kayong maingay ha..ginagawa ko ang post na ito habang ako'y nasa trabaho. Hindi lang maka-concentrate si Kulot sa trabaho kaya naisipan ko emote muna ako dito.

Ano ba kasi ang ine-emote ko?..ewan ko nga ba! basta! parang disoriented lang ako. Actually disoriented talaga. Antok? pwede. Parating si monthly period? pwede. Parang ang huli talaga ang reason. That's what I hate when my period is coming feeling sad ang drama ko at tamad. Dami ko pa naman dapat tapusin kasi ang haba ng holiday now sa Pinas, from April 5-9. Pero hindi sa work ko. Pero dahil very good ang immediate bossing ko okay na rin na mag long holiday ako..yes! hays..work! work! work! really have to finish our payroll, billings at kong ano ano pa. Not in the mood talaga ako to work..huhuhu.. dami ko na rin utang na blog hopping at pending post sa ibang blogs ko..hays..
Iniisip ko pa na iba eh yung pano ako magkabahay..naiinggit ako bigla kasi nakita sa FB yung house blessing ng kasamahan ko dati. Ganda ng house nila. Sana bago mag grade 1 yung Anakis ko eh may sarili na kaming bahay. Naiingit din ako kasi may better half yung friend ko na katuwang nya sa life. Waaahhh.. ingitera bigla si Kulot. Kainis! Pumapasok din sa isip ko kong payagan ko ba na yung tuta na dala ng kapatid ko eh sa bahay na lang o ipamigay na lang. Ang liit kasi ng rented house ko. Walang space para mag-pet unless fish ang pet. Na-miss ko din bigla ang Anakis ko. Hano beh! bakit ba ako gulong-gulo sa kong anu-ano (buntunghininga)

I hope I'll be better after this writing.

4 comments:

  1. Hay, okay lang yan kulot. Paminsan minsan tama din ang mag-emote lalo kung iyan ang outlet mo, healthy yan. Wag lang puro emote baka sumobra at akalain ng iba, depression na yan. Keri lang ang buhay. Wag mainggit din. Be thankful for what you have lalo na si anakis mo. Magbibigay pa si Lord sa iyo ng wagas na kasiyahan. Just be patient!

    Andito para damayan ka. Parating na din kasi si red alert ko siguro. Feel ko lang. hahaha!

    ReplyDelete
  2. hahahaha...tamaaaa!!!!!!!
    kaya eh..minsan minsan lang naman yan..lalo na kong palapit na ang red alert..ganyan talaga ang drama ko..ang daming emote..pero in general naman positive person ako..hehehe..

    ReplyDelete
  3. Ipapasa ko na ba ang korona ng emoteradesexysoltera sa'yo? :D Wag ka masyado ma-emowt diyan, teh. I'm sure paglipas ng buwanang dalaw mo (in my case, buwanang kunan kasi may asawa na ako - hehe!), eh okei ka na. Blame it on the big H - hormones. Wag ka din ma jinggitbelles bumbumley sa mga neybowrs mez. Kami din kaya walang sariling bahay at nag-re-rent lang din ng apartment at hindi din pwede mag-pet (unless fish or bird nga ang pet) dahil maliit lang din ang space ng aming inuupahan. Hindi lang ikaw, teh, ang walang sariling balaysung na ipapa-bless, marami tayo sa mundo. Ang importante meron kang home (Iris) na inuuwian ♥ O divar? Don't worry about not having the better half in your life - just trust in the Lord and follow His will - and all things in your life will fall into its right place :) Sya, ngiti na, tama na emowt, nakakapanget yan. Hugs!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah..toommoo!!!!! im now fine..okay lang aketch! in general naman positive person ako..ang jinggitbelles ko naman in positive way..i make it as an inspiration to pursue my dreams na magkaroon ng sariling kubo..
      ay tama ka dyan teh! everything will fall right sa tamang panahon...kainins lang talaga si bih H minsan..humaygash! hehehe..
      Tenk you very mucho sa hugs!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...