Monday, April 9, 2012

Feeling Teenager

Hello madlang blogkada!

Naaalala ko nung kabataan ko (bata pa rin naman ako ngayon) nung mas bata pa ako (hehehe) Teenage year I was inspired..teka teka..bawal ang English dito Kulot. Hahaha.. Loka loka style lang ako ngayon. Inspired akong pumunta ng skol kasi makikita ko yung crush ko na classmate ko lang naman na in denial pa ata ako that time na crush ko ang hinayupak na yun. Hahaha!..ang angas kasi! at hindi naman kagwapohan pero maganda ang boses in ferness! sikat sa skol! panong hindi eh isang section lang each year! hahaha,. Ibig sabihin hindi pa kami umabot 400student ang population. Sikat din ako akala nyo ha. Pero ako yung tipong serious type ng student na akala mo eh pasan ang daigdig at hindi mabiro ng kalalakihan (as if naman ang ganda ganda ko ano) hahaha. I think maseryoso o hindi na klase ng teenager lahat my crush..ang nag de-deny na walang crush nung HS bitter!! hahaha.

 
image not mine
Ako oo may crush ako. Natatawa nga ako if maalala ko eh. Pine-pray ko pa talaga dati (HS ako) na Lord kahit po hindi kami maging BF-GF ngayon basta in the future kami ang magkatuluyan..hahahaha.Naging kami naman nung HS..1week lang! it was Vday at JS prom namin. Oha! very memorable Feb 14, 1997 at nakipagbreak ako ng Feb. 21, 1997. Hindi ko na i-ku-kwento kong bakit. Basta yun na yun! Siempre JS Prom medyo romantic mode ang background (feeling ko lang ata na romanntic mode kasi parang modern naman ang tugtug nun-hahaha) magkatabi kami sa upuan hinawakan nya kamay ko na punong-puno ng kakasulat ko ng ILOVEYOU ____  (name ni guy siempre) kulay blue pa ang tinta ng ballpen ko nun. Hahaha. Naalala talaga eh no! hano beh! kilig aketch! sus teary eye pa drama ko nun kasi kami na..waaahhhhh!! (ewww syyyeeeeeetttt! talaga if maalala ko)hahaha. Tapos ng prom uwian na, nung matutulog na ako naaalala ko kini-kiss ko pa yung kamay ko na hinawakan ni crush ko. hahahah... as in with feelings! hahaha. as in kahit na hindi na kami kinekiss ko parin yung kamay ko. Imagining na hawak nya pa rin kamay ko...syeetic! hahaha..natatawa na lang ako if maalala ko ang kalokohan kong iyon.

At ngayon 30 na ako (sshhh wag maingay sa edad ko ha) nagkaka-crush pa rin ako at kinikilig makita ang crush ko. Sinasarili ko na lang yun siempre. Pero parang teenager lang na praying sana makita ko sya. waaah!..pero okay na din yung crush kasi parang inspired ka to do your work. Magaan ang buhay kumbaga.

So yun, si Kulot feeling teenager lang na kinikilig sa crush nya. Hahaha. Good night everyone!

3 comments:

  1. Nakakatuwa naman yong post mo... Pangatlo ka na yatang tagalog na blog na binabasa ko.hehehe...dahan-dahan lang tingin sa crush mo baka ma-crash ka sa paglakad..hehehe

    ReplyDelete
  2. Wait! (Ay teka bawal nga pala Ingles. Take 2.) Saglit lang! (Ayan, pwede na.) Bakit hindi pinaliwanag kung bakit nakipagbreak si Kulot makalipas ang isang linggo? Isang linggong pag-ibig ang drama?! Hehe :D

    ReplyDelete
  3. hahha...kelangan may explenneysyen talaga?..hahahaha...
    cge cge..next time..if sipagin ako..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...