Tuesday, October 23, 2012

Ang RH Bill Bow!

Hello madlang kulotness people! Kulot is back! as if naman may nagbabasa daw ng ka-echusan ko dito..haleeerr!!!!!! LOL. At dahil sinipag daw ako magbasa ng blog in tagalog version napadpad ako sa blog ni supergulaman at na-insecure :P si kulot sa ganda at nakakatawang mga post nya. May seryos at merong bahala kayo sa buhay nyo merong may makukuha ka ring lessons. Ay hindi naman ako nag halungkat ever sa blog nya may nakakuha lang ng attention ko in some of his post (chuz! english). Okey, bago pa ako magpatuloy sa title post ko. Kamusta ba naman si Emoterang Kulot?..sa totoo lang hindi maganda masyado, pero dahil ako si positive thinking emotera at mas gusto ko ng bigyang pansin yung magaganda kesa sa hindi. 

So what's new?
..ito kulot pa rin :P malaki na anakis ko. HYIP adik pa rin. Siempre tamad pa rin mag update ng mga spokening dollar ko na blogs LOL. Nawa'y masapian ako ng mga espereto na bumalik na yung gana ko sa pag update regularly sa lima kong blog at ng dumami naman yung mga opps ko....which means more mooolah sa lola mo. In a relationship pa rin basi KUlot?..ang sagot ko no comment :P let's see and find out ang drama ko.

Ang title post ko. Ang RH Bill bow.
Sa totoo lang wala akong plano nai-discuss yan dito. Hahaha. Kasi hindi ko rin naman alam ang kabuuan ng kwento nito. Ang tanging alam ko lang is mamimigay ang gobyerno ng contraceptive at mag-a-allocate ng budget para dito para daw maibsan ang kahirapan nating mga Pilipino at wag lumobo ang populasyen natin :). At tulad ng iniisip ng iba..wow! malaki na naman ang kikitain ng mga hahawak ng budget nito. Haruy! Corruption galore! na lang!

So ano ba talaga ang RH Bill?
 "it is a Philippine bill aiming to guarantee universal access to methods and information on birth control and maternal care."--ano daw? basahin mo dito Reproductive Health Bill  kong gusto mong malaman ang kabuuan nito. Ayokong mag nosebleed. LOL.

So PRO ba ako dito?
Ang sagot ko?..pro na hindi. LOL.Why? bakit? I think there is advantage and disavantage of this bill. Lahat naman ata my pros and cons sa buhay. Basta ako ang stand ko nasa individual yan. Responsible parenting at maging responsible citizen..kahit na ano pang pamumodmud ng contraceptive churvaness ng gobyerno kong tanga-tangahan talaga yung isang tao wala ding silbi ang contraceptive na yan. Minsan talaga (hindi na ako lalayo pa sa mga relative ko) hindi ko ma-gets yung mga tao---ang daming anak! hindi naman napapakain ng maayos, hindi nabibigyan ng magandang buhay yung mga anak. Pero anak ng anak! I maybe a singlemom pero hindi po ako pabigat at ang anak ko sa society. Pero meron din namang ibang tao na really need assistance from government in stuff like this. hay ewan!..

..at ito ang rason ba't ako napa-post at natuwa sa RH bill na itetch..
"Kung yung simpleng karatula nga na "Bawal Tumawid, May Namatay Na Dito!" ay hindi masunod, yun pa kayang usaping pang-kama na walang karatula?"--Supergulaman
Tama nga naman. Kong ganun anong silbi ng RH bill na yan? :P----just my cents... :)

1 comment:

  1. Hahaha! Ayos si supergulaman! Wagasero totoo! E talaga naman e diba? Isa lang talaga ang bottomline. Matitigas ang ulo ng mga mamamayan!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...