Tuesday, October 23, 2012

Ang RH Bill Bow!

Hello madlang kulotness people! Kulot is back! as if naman may nagbabasa daw ng ka-echusan ko dito..haleeerr!!!!!! LOL. At dahil sinipag daw ako magbasa ng blog in tagalog version napadpad ako sa blog ni supergulaman at na-insecure :P si kulot sa ganda at nakakatawang mga post nya. May seryos at merong bahala kayo sa buhay nyo merong may makukuha ka ring lessons. Ay hindi naman ako nag halungkat ever sa blog nya may nakakuha lang ng attention ko in some of his post (chuz! english). Okey, bago pa ako magpatuloy sa title post ko. Kamusta ba naman si Emoterang Kulot?..sa totoo lang hindi maganda masyado, pero dahil ako si positive thinking emotera at mas gusto ko ng bigyang pansin yung magaganda kesa sa hindi. 

So what's new?
..ito kulot pa rin :P malaki na anakis ko. HYIP adik pa rin. Siempre tamad pa rin mag update ng mga spokening dollar ko na blogs LOL. Nawa'y masapian ako ng mga espereto na bumalik na yung gana ko sa pag update regularly sa lima kong blog at ng dumami naman yung mga opps ko....which means more mooolah sa lola mo. In a relationship pa rin basi KUlot?..ang sagot ko no comment :P let's see and find out ang drama ko.

Ang title post ko. Ang RH Bill bow.
Sa totoo lang wala akong plano nai-discuss yan dito. Hahaha. Kasi hindi ko rin naman alam ang kabuuan ng kwento nito. Ang tanging alam ko lang is mamimigay ang gobyerno ng contraceptive at mag-a-allocate ng budget para dito para daw maibsan ang kahirapan nating mga Pilipino at wag lumobo ang populasyen natin :). At tulad ng iniisip ng iba..wow! malaki na naman ang kikitain ng mga hahawak ng budget nito. Haruy! Corruption galore! na lang!

So ano ba talaga ang RH Bill?
 "it is a Philippine bill aiming to guarantee universal access to methods and information on birth control and maternal care."--ano daw? basahin mo dito Reproductive Health Bill  kong gusto mong malaman ang kabuuan nito. Ayokong mag nosebleed. LOL.

So PRO ba ako dito?
Ang sagot ko?..pro na hindi. LOL.Why? bakit? I think there is advantage and disavantage of this bill. Lahat naman ata my pros and cons sa buhay. Basta ako ang stand ko nasa individual yan. Responsible parenting at maging responsible citizen..kahit na ano pang pamumodmud ng contraceptive churvaness ng gobyerno kong tanga-tangahan talaga yung isang tao wala ding silbi ang contraceptive na yan. Minsan talaga (hindi na ako lalayo pa sa mga relative ko) hindi ko ma-gets yung mga tao---ang daming anak! hindi naman napapakain ng maayos, hindi nabibigyan ng magandang buhay yung mga anak. Pero anak ng anak! I maybe a singlemom pero hindi po ako pabigat at ang anak ko sa society. Pero meron din namang ibang tao na really need assistance from government in stuff like this. hay ewan!..

..at ito ang rason ba't ako napa-post at natuwa sa RH bill na itetch..
"Kung yung simpleng karatula nga na "Bawal Tumawid, May Namatay Na Dito!" ay hindi masunod, yun pa kayang usaping pang-kama na walang karatula?"--Supergulaman
Tama nga naman. Kong ganun anong silbi ng RH bill na yan? :P----just my cents... :)

Sunday, September 23, 2012

Quotes I Love!

Habang si Kulot ay pakalat-kalat sa FB wall ng iba..ito mga nakasalubong ko na quotes sa buhay. and I lab it!



Status: In a Relationship

Ang tagal ng pahinga ng pag-e-emote ni Kulot sa blog na ito. Actually hindi lang ito kundi halos lahat ng blog ni Kulot. The last time was May! waaa...at dapat may part 2 pa talaga yung last post ko pero ito post ako ng hindi pang part2. Wala namang maniningil ng part2 post ng May Pera sa Internet malamang. Kaya ibahin natin. At walang basagan ng trip (as if naman may nagbabasa daw nito ano) LOL. Whatever!

So?! Whats the latest? I met him. Yeah, him VPG.. who? Basta si VPG. Finally! after almost 7years of being an online friend we met. Unli? Unli? paulit-ulit si Kulot. Hehehe. If your wondering pinoy po sya baka isipin ng iba forenjer si VPG. Nothing much special he decided after 7years na makilala ako in person. Siempre he told me his intention na mahal nya daw ako pero hindi nya nasabi sa akin in person ng magkita kami. LOL. Na-intimadate sya sa akin. He stays for 3nights, 4days in my place. Met my baby and my younger sister. Pakiramdaman galore! Masaya kasi nakilala mo yung tao na sa internet mo lang nakakausap at nakikita. Masaya to confirm kong my feeling ka rin ba sa tao na ito. Honestly? hindi naman yung drop jaw ang emote ko nang makita sya. Well, he dress...tama pa yung dress?..mali ata! groom?..hmm..whats the right word ba? basta ibig ko lang naman sabihin. Neat syang magdamit. Mabango! na parang yummy ang amoy..hahaha. Haruy! LOL. Height?..cute! hehehe. 

Okay enough with that. So ito na, after 15days ata or less I decided to give it a try. Takotness ang Kulot to enter into relationship actually lalo na another long distance relationship. Pero lahat naman sa buhay risk kaya mag-risk na uli ang puso ni Kulot. After meeting him, and nang iwanan nya na uli ako at balik sa dati na internet uli kami nagkikita parang na-miss ko rin sya and nasabi ko sa sarili ko na mahalaga ang tao na ito sa buhay ko..if not hindi naman aabot ng 7years siguro ang friendship namin online. Kahit pa na online lang yun effort ever din yun ha. Lalo na si VPG. Been into other relatioship nagka-baby na ako't lahat andyan parin sya. There something special in us kaya umabot ng 7years ang hi hello namin LOL. I love this man.--hindi man kasing level up like how I love my anakis (iba naman ata ang pagiging nanay eh) pero when the right time comes and I am ready na mag-settle down, I want to spend it with VPG...but we can never tell din naman. Basta as of now gusto ko lang i-enjoy ang kong ano meron kami.

Name: Kulot
Status: IN A RELATIONSHIP!

So help me GOD! amen! :P

Thursday, August 30, 2012

May Tama Ka Bossing!

Ang galing ng lalaking nagsulat nito. May Tama ka bossing! Nabasa ko lang to sa facebook.

"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa m
ga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday". "Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. :)

Monday, May 28, 2012

May Pera sa Internet Part 1

MAY PERA SA INTERNET...PROMISE!
image not mine
Maniwala ka man at sa hindi may pera talaga sa internet! dati ayaw ko rin maniwala pero nung naging nanay na ako (singlemom) naghanap na ako ng ibang paraan para kumita kasi hindi suportado ng sperm donor ko yung anakis ko (kaya sperm donor na lang kadalasan tawag ko sa tatay ng anak ko kasi yun lang naman ang papel nya talaga sa buhay ng anak ko-hindi naman sya naging ama sa anakis ko talaga) hmmm..ano yan Kulot drama na naman. Hehehe. Continue.... Yung kikita ako pero hindi ko kelangan na mag-resign sa trabaho ko. My friend from High School told me about blogging. Kikita daw ako dito. Pero hindi naman ako writer. Feeling-feelingan writer lang ako! Hahaha. Pero dahil broken hearted ako ng panahon na yun sabi ko sa sarili ko sige mag blog ako pero hindi dahil kikita ako kundi dahil gusto ko lang mag emote talaga at dahil first time mom ako naging diary na rin sya ng buhay mommyness ko. Hindi ko talaga painisip nun na pwede ako kikita sa blogging kasi feeling ko yung mga bloggers to the highest level dapat ang english. Eh ako..nosebleed sa english! pero kalaunan akalain mo nagkapera nga ako sa blog ko.

Dahil hindi ko nga plano na imonetize ang blog ko that time, nag-search-search pa ako ng pwedeng source of income sa online world. Sinubukan ko rin ang PTC o Paid to Click site. Grabe! ang dami kong sinalihan na bux bux..mga PTC site yun..puro ata mga scammer eh!.. may nakita akong legit site naman NEOBUX pero hindi ko sya masyado seneryoso at ni-refer din ako sa CLIXSENSE ito kumita na talaga ako dito.............................................Fast forward 2012 dito talaga ako natuto ng bongga kumita online.. i learn about investment sites...cycler, HYIP (High Yield Investment Program), MLM (Multi Level Marketing). Pero ingat din lalo na kong nagpapalabas ka ng pera kasi hindi lahat at legit. Yung iba naman stays for a short period of time lang tapos i-scam na ang labas. So ingat talaga. Ako hindi ko pa naman na-try na ma-scam. Though my mga site ako na sinalihan na nag-close nga sila after a month..pero sa awa naman ni LORD nakakabawi at konting kita naman ako before nagkakaloko ang site tulad na lang LTS (lifetimeshares.com) grabe! as in bilis ng income now ayun bagsak! pero up naman na ngayon ang site after ma-dedo ito ng mga 2weeks pero yun nga lang hindi pa maka-withdraw. I have pending earnings of 14$ pa dun. Sayang din. 

Basta promise my pera sa internet!...oh by the way dahil sa kita ko last year sa internet nakabili ako ng netbook ko kaya ito ako now full time venturer sa online earnings! my earnings online is paying my boradband monthly! at dahil din sa online earnings ko I was able to pay our airfare tiket ng anakis ko. September pa ito namin magagamit at sana eh makarami ako ng online earnings para naman sa pocketmoney namin ng anakis ko. O di ba bongga!

Kelangan lang talaga is very much willing ka to earn online at gusto mong may mabago sa buhay..online will help you. Sabi ko nga di ba I am not saying na yayaman ako ng bonnga sa kita ko online.. pero at least na-fi-fill nito ang ibang gastusin ko sa buhay..pero malay natin baka magkabahay ako dahil sa kita ko online. Kasi nakita ko na ata ang tutulong sa akin sa buhay sa online world.

....ABANGAN ang PART 2 kong saan share ko ang mga sites where I earn...ng bongga! kaya stay tune!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...